Tuesday, January 25, 2011

"Masamang Panaginip"

   Mahirap lamang ang pamilya ni Red, isang magsasaka ang ama at labandera ang ina. Nagtatrabaho naman ang kanyang nakatatandang kapatid sa isang pabrika sa paris. Ito rin ang nagpapa-aral sa kanya.
   Isang araw ay tumawag ang kanyang kapatid. Ngunit wala naman ang kanyang ina't ama. Maya maya pa'y dumating na ang kanyang mga magulang. Naalala niya na tumawag kanina ang kanyang kapatid.
   "Tay, Nay tumawag po kanina si kuya, kaso wala naman po kayo kaya sinabi ko nalang po na tumawag siya bukas" sabi ni Red.
   "Naku sayang naman at wala tayo kanina" sagot ng ina.
   "O, kumain na muna tayo! sabat ng ama.
   Kinabukasan ay tumawag na ang kanyang kuya. Nagkausap ang mga ito. Masayang masaya siya sa pagtawag ng kapatid.
   "Hello kuya, magpapadala kana ba ulit sa'min?" sabi ni Red.
   "Oo Red, ano bang gusto mo?, kamusta na pala ang cellphone na binigay ko sa'yo? buhay pa ba?" sagot ng kapatid.
   "Oo maman kuya, mukha pa ngang bago eh" ani Red.
   Sumabat naman ang ina.
   "Red mamaya na yan, pakausap naman kami na tatay mo" sabi ng ina.
   Nagka-usap ang mag-ina at napagkasunduan na magpapadala ang kapatid ng isang computer set. Para rin daw iyo sa pag-aaral ni Red. Para rin daw magcha-chat na lang sila.
   Ilang araw na lang at dadating na ang computer set na inaasam niya. Halos hindi siya dalawin ng antok sa pag-iisip ng kung ano ang una niyang gagawin niya pagdatinh niyon.
   Maya-maya pa'y...
   Waaaaaggg!!!!!
Kumaripas siya ng takbo dahil hinahabol siya ng isang aparador. Na may paa at nakarubber shoes pa.
   "Red, halika na!! sumama ka sa'kin" ang sabi ng aparador.
   Lalo pa siyang tumakbo ng makita naman ang loptop na nakasakay sa kanyang likod.
   "Umalis  ka sa'kin!! alis! alis ! sigaw niya sabay nawalan ng malay.
    Ng magising siya ay napapalibutan na siya ng maraming kagamitan.
   "Umalis kayo sa tabi ko!! Inay, Itay, Kuya!! sigaw niya na ngayo'y nag-iiyak na.
   Nagulat siya ng magising na nasa tabi ang ina.
   "Anak, ano bang nangyayari sa'yo? at bakit ka umiiyak? nag-aalalang sabi ng ina.
   "Ka... kasi po hinahabol ako ng mga kagamitan!! sabi niya.
   "Anak, nananaginip ka lang, narito na ngs pala ang computer set mo" sabi ng ina.
   Madali siyang  naghilamos at tinesting ang kanyang bagong computer, habang inaalala ang kanyang masamang panaginip.
   

No comments:

Post a Comment